Panonood Ng Pelikulang Pinoy, Nagpapasaya Sa Magsasakang May Sakit

Umiikot ang buhay ni Marvin Laparan sa paglilingkod sa kanyang amang may karamdaman.
Mula umaga hanggang gabi, laging kapiling ni Marvin ang ama na isang dating magsasaka sa Davao del Norte, para tugunan ang mga pangangailangan nito.

“Simula nung nagkasakit si Papa, ako na ang nag-aalaga sa kanya. Inaalagaan namin siya tulad ng pag-alaga niya sa amin,” ani Marvin.

Batid ni Marvin ang sakit na iniinda ng ama, kaya naman naisipan niyang magpakabit sila ng SKYdirect para hindi mainip ang ama kahit nasa bahay lang. Ngayon, nalilibang na ang tatay ni Marvin sa panonood ng mas maraming palabas tulad ng mga pelikula sa Cinema One dahil parang nanonood na rin siya ulit ng movie sa sinehan.

Mas naging malapit na rin ang kanilang pamilya at mas nagkaroon ng kulay ang tahanan nila dahil daw madalas nanonood sila ng telebisyon na magkakasama.

“Simula noong nag-SKYdirect kami, madalas puno ang bahay namin. Magaan ‘yung pakiramdam ko kasi nakikita ko silang masaya. Kahit anong problema, basta sama-sama, magiging okay kami,” paliwanag ni Marvin.

Isa ang pamilya ni Marvin sa maraming buhay na mas napasaya hatid ng mga exclusive at HD channels ng SKYdirect. Kaya naman bilang pasasalamat sa mahigit na 1 milyong subscribers nito ngayong 2019, mamimigay ang SKYdirect ng P1 Million in total prizes para may chance manalo ng P100,000 kada linggo ang mga prepaid at postpaid susbcribers na magre-register. Para magkaroon ng raffle entry sa promo, i-text ang REG BOX ID/NAME at i-send sa 23668. Example: REG 87654321/Ana Cruz

Para naman sa lahat ng bagong SKYdirect subscribers, handog ng SKY ang 30-day free access sa lahat ng SKYdirect channels tulad ng ABS-CBN HD, Cinema One, PBO, HBO HD, Cartoon Network HD, Disney Channel, NBA Premium TV HD, Discovery Channel, KBS World, Nickelodeon Jr. at marami pang iba. Kusang mag-aactivate ang free 30-day access sa unang araw ng installation ng SKYdirect.

Hanggang July 7 lamang ang 2 pasabog na promo ng SKYdirect. Ang SKYdirect ang direct-to-home satellite television ng SKY Cable Corporation na naghahatid ng kaligayahan at mahahalagang impormasyon dahil sa maraming TV channels nito sa pamilyang Pilipino saan mang bahagi ng bansa. Para sa karagdagang impormasyon, pumunta sa mysky.com.ph/thankyoupromo, o i-follow ang SKYdirect sa Facebook.