CFO Partners With SSS To Provide Benefits For Contractual Workers

Makakatanggap ng mas magandang benepisyo ang mga contractual workers sa tulong ng CFO at SSS. Isang hakbang patungo sa mas matagumpay na kinabukasan.

Miguel Romulo And Rei Germar’s Love Story Reaches New Chapter With Engagement

ICYMI: After over ten years of love and shared moments, Rei Germar and Migy Romulo are engaged, marking the next step in their relationship.

Nominations For Outstanding Government Workers Open Until March 31

Ang Civil Service Commission ay nagbukas na ng nominasyon para sa mga outstanding na government workers. Pahalagahan ang kanilang kontribusyon sa ating komunidad.

NFA’s PHP10 Billion Program Aims At Modernizing Rice Storage Systems

Nagsimula na ang PHP10 bilyong programa ng NFA para sa modernisasyon ng mga pasilidad sa bigas, nakatuon sa mas mataas na ani para sa mga magsasaka.

Sen. Hontiveros: “Pilipina: Buhatin Ang Kapwa Pilipina”

By The Philippine Post

Sen. Hontiveros: “Pilipina: Buhatin Ang Kapwa Pilipina”

0
0

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Malayo na ang narating ng Pilipina: naging CEO ng kumpanya, pangulo, weightlifting champion, doktor, ina, Miss Universe, at iba pa.

Ngunit sa bawat tagumpay natin, marami pa rin ang hindi makapag-aral, hindi makapagtrabaho, binabastos, sinasaktan, pinatatahimik — dahil mismo babae sila. Hindi kaila sa atin na sa bawat tagumpay ng Pilipina, sa kabuuan ay may sistemang pilit pa rin tayong ikinukulong at pinagkakaitan.

Ngayong Buwan ng Kababaihan, tuloy ang ating laban para sa karapatan, kaunlaran, at pangarap ng mga Pilipina.

Ang bawat Pilipinang namumulat ay may responsibilidad na magmulat din ng iba.

Ang bawat Pilipinang nagtatagumpay ay may obligasyong isulong ang tagumpay ng iba.

Sa mga kapwa ko Pilipina, tinatahak natin ang daang pinangahasan ng mga nauna satin, upang tayo rin ay mangahas para sa mga susunod sa atin.

Sa panahong pilit tayong hinahati at pinaghihiwalay, walang makakapagbuklod sa atin kundi tayo-tayo rin.

Sa simula’t sa huli, Pilipina ang bubuhat sa kapwa Pilipina. (senate.gov.ph)

Photo Credit: facebook.com/hontiverosrisa