Halos PHP800 million na humanitarian assistance ang naipamahagi sa mga lugar na sinalanta ng sunod-sunod na malakas na ulan habang pinalalakas ang flood response.
Limampung farmers mula sa pitong barangay sa Taganaan ang nakatanggap ng tig-isang carabao sa ilalim ng dispersal program ng Department of Agriculture.
Dalawampu’t limang pamilyang naapektuhan ng Super Typhoon Yolanda sa Antique ang nakatanggap na ng housing units sa Mission Hills resettlement site sa San Remigio.
Pakiusap mula sa Municipal Environment and Natural Resources Office ng Antique: Magsagawa tayo ng tamang segregasyon ng basura sa pinagmumulan nito. Mahalaga ito dahil halos punô na ang sanitary landfill sa Barangay Pantao.
Magtatayo ang Philippine National Oil Company (PNOC) ng solar farm sa Dinagat upang magsilbing reserbang kuryente sa pagtaas ng pangangailangan sa isla.
Ayon sa ulat ng Department of Agriculture, umuusad na ang PHP118.75 milyong halaga ng mga proyekto laban sa kahirapan para sa sektor ng agrikultura sa Eastern Visayas, na nakikinabang sa 125 asosasyon ng mga magsasaka.