Inatasan ni Pangulong Marcos ang buong pagpapatupad ng Republic Act 11321 o Sagip Saka Act sa pamamagitan ng Executive Order (EO) No. 101 upang mas mapalakas ang produksyon at kabuhayan ng mga magsasaka at mangingisda.
Ayon sa Pangulo, layunin ng mga reporma sa buwis na mapatatag ang ekonomiya at fiscal position ng bansa habang tinitiyak na patas ang pasanin sa lahat ng sektor.
Mainit na sinalubong si Pangulong Marcos ng mga bata at mga kawani ng Child Development Center (CDC) sa Barangay La Paz, Santiago, Agusan del Norte, sa kanyang pagbisita nitong Biyernes matapos niyang pangunahan ang turnover ng 71 patient transport vehicles sa lungsod.
Opisyal nang operational sa Cebu City ang unang 911 Regional Command Center sa Visayas, isang malaking hakbang sa adbokasiya ni Pangulong Marcos na magpatupad ng mas mabilis at koordinadong emergency response system para sa lahat ng Pilipino.
Sa likod ng bawat pinta, may mensaheng pangkalikasan! Ipinamalas ng isang Pinoy artist ang kanyang galing at paninindigan sa Dubai Waterfront Market mural contest.
Astig! Pinarangalan ng Japanese Embassy si Chef Reggie Aspiras para sa kanyang kontribusyon sa cultural exchanges gamit ang kanyang angking galing sa pagluto.