Pinangunahan ni Education Secretary Sonny Angara ang oath-taking ng 1,814 newly promoted educators sa Davao Region sa ilalim ng Expanded Career Progression System.
Pinalalakas ng mga paaralan sa Ilocos Norte ang water conservation habang hinihikayat ang students at personnel na maging mas responsable sa paggamit ng tubig.
Naglabas ng bagong circular ang Securities and Exchange Commission na nagbibigay-daan sa agri-focused businesses na makalikom ng hanggang PHP500 milyon bawat proyekto mula sa capital markets para sa pagpapalawak ng access sa pondo.
Ang Negros Trade Fair, pinakamahabang provincial fair sa Metro Manila, ay naging mabisang plataporma para ipakilala ang mga produkto at palakasin ang market access ng mga MSMEs mula Negros.
Inaasahan ng IMF na mananatiling matatag ang ekonomiya ng Pilipinas kahit bumagal ang performance sa unang kalahati ng taon, bunsod ng panlabas na hamon at pabagu-bagong pandaigdigang merkado.
Mahigit 50 exhibitors ang lumahok sa dalawang-araw na Negosyo Expo sa Dagupan City, na naglalayong bigyang pagkakataon ang aspiring at seasonal entrepreneurs na maipakita ang kanilang produkto at palawakin ang kanilang merkado.
Mahigit 100 investors ang nagpahayag ng interes na magtayo ng negosyo sa Camp John Hay, ayon sa John Hay Management Corporation, bilang patunay sa patuloy na paglago ng Baguio bilang investment hub.
Nangako ang DEPDev na paiigtingin ang monitoring at evaluation upang matiyak na ang mga programa at polisiya ng pamahalaan ay tunay na nakapagpapabuti sa buhay ng bawat Pilipino.
Mula Setyembre 30 hanggang Oktubre 2, dadalhin ng MSMEs ng Antique ang kanilang mga produkto sa Boracay upang makipagtagpo sa hotel managers at iba pang negosyante.
Nakipagpartner ang APECO sa Freya upang magbigay ng medical equipment at magsagawa ng training para sa Super Health Center sa Aurora, na nakatakdang magsimula ng operasyon ngayong Disyembre.
Patuloy na lumalago ang ekonomiya ng Pilipinas sa matatag na antas, ngunit kailangan ng ilang pagbabago sa polisiya upang tugunan ang mga hamon ayon sa ASEAN+3 Macroeconomic Research Office (AMRO).