Halos PHP800 million na humanitarian assistance ang naipamahagi sa mga lugar na sinalanta ng sunod-sunod na malakas na ulan habang pinalalakas ang flood response.
Limampung farmers mula sa pitong barangay sa Taganaan ang nakatanggap ng tig-isang carabao sa ilalim ng dispersal program ng Department of Agriculture.
Dalawampu’t limang pamilyang naapektuhan ng Super Typhoon Yolanda sa Antique ang nakatanggap na ng housing units sa Mission Hills resettlement site sa San Remigio.
Japanese Firm P.Imes Corp. nag-invest ng karagdagang PHP1.8 bilyon para sa kanilang operasyon sa Pilipinas. Isang magandang balita para sa ating ekonomiya.
Double Taxation Agreement sa Cambodia, napirmahan. Ayon kay Finance Secretary Ralph Recto, makakatulong ito sa pagpapabuti ng integridad ng sistemang buwis ng Pilipinas.
BIR inilunsad ang isang kampanya para sa operasyon ng Tax Compliance Verification, layunin nitong tulungan ang mga nagbabayad ng buwis na maunawaan ang kanilang mga obligasyon.