Halos PHP800 million na humanitarian assistance ang naipamahagi sa mga lugar na sinalanta ng sunod-sunod na malakas na ulan habang pinalalakas ang flood response.
Limampung farmers mula sa pitong barangay sa Taganaan ang nakatanggap ng tig-isang carabao sa ilalim ng dispersal program ng Department of Agriculture.
Dalawampu’t limang pamilyang naapektuhan ng Super Typhoon Yolanda sa Antique ang nakatanggap na ng housing units sa Mission Hills resettlement site sa San Remigio.
Pinatibay ng Fitch Ratings ang ating BBB credit rating, ayon kay Finance Secretary Ralph Recto. Patunay ito sa patuloy na pag-angat ng Pilipinas sa mga susunod na taon.
Ang Pilipinas ay naglalayong gamitin ang Indo-Pacific Economic Framework for Prosperity upang palakasin ang mga hakbang laban sa korapsyon sa bansa matapos pirmahan ang Fair Economy Agreement sa Singapore.
Ang Department of Migrant Workers at Department of Agriculture ay nagsanib-pwersa upang tulungan ang mga nagbabalik na OFWs at kanilang mga pamilya sa pagnenegosyo sa agrikultura.
Pinapalakas ng Pilipinas at United Arab Emirates ang kanilang ugnayang bilateral, at nagpapahiwatig ang bansang Middle Eastern ng mas maraming pamumuhunan sa Maynila.