Pinangunahan ni Education Secretary Sonny Angara ang oath-taking ng 1,814 newly promoted educators sa Davao Region sa ilalim ng Expanded Career Progression System.
Pinalalakas ng mga paaralan sa Ilocos Norte ang water conservation habang hinihikayat ang students at personnel na maging mas responsable sa paggamit ng tubig.
Mas maraming LGU sa Ilocos Norte ang sumusuporta sa Philippine Coconut Planting Program bilang alternatibong paraan upang mapalakas ang kita at food security.
Isang rice farming village sa Laoag ang unti-unting ginagawang agro-tourism flower farm ang mga bakanteng lote upang makahikayat ng mga bisita at dagdag kita.
Nagsanib-puwersa ang PCG Taytay Sub-Station at BJMP Taytay District Jail sa isang mangrove planting activity sa Sitio Minara, Palawan noong Pebrero 25.
Lumagda ang limang LGU sa Eastern Visayas sa isang kasunduan upang isulong ang clean energy transition sa pamamagitan ng local energy plans at renewable energy ordinances.