Pinag-aaralan ng Maritime Industry Authority ang simulator-based training bilang posibleng alternatibo sa bahagi ng seagoing service para sa mga Filipino seafarer.
Nangako ang pamahalaan na magpatupad ng mga agarang reporma upang maibalik ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas, ayon kay DEPDev Secretary Arsenio Balisacan.
Sabay-sabay na inilunsad ng pamahalaang panlalawigan ng Antique ang mga national program na nakatuon sa vulnerable sectors at 560 barangay sa lalawigan.
Hinikayat ni Ilocos Norte Governor Cecilia Araneta-Marcos ang mga residente na pairalin ang pagiging madiskarte at matatag sa pagharap sa epekto ng El Niño.
Lahat ng ahensya ng gobyerno ay inatasang gumamit ng energy-efficient products at maglagay ng solar rooftops para mabawasan ang konsumo ng kuryente at mapabilis ang paglipat sa malinis na enerhiya.
Ayon kay Senator Legarda, nananatiling pinakamahina sa epekto ng climate change ang Pilipinas. Kaya’t mahalaga ang maagang paghahanda at matatag na plano para sa proteksyon ng mga komunidad.
Ayon sa DA, ang panukalang budget ay kritikal sa pagtugon sa food inflation, climate change, at iba pang hamon na kinahaharap ng agrikultura. Kaya’t mahalagang maaprubahan ito nang buo.
Pinangunahan ng Philippine Coast Guard ang sabayang pagtatanim ng bakawan sa Surigao del Norte at Surigao del Sur upang mapangalagaan ang mga baybayin laban sa epekto ng kalikasan.
Pinatibay ng DSWD ang kabuhayan ng mga Aeta sa Tarlac sa pamamagitan ng pagbibigay ng makabagong kasangkapan sa pagsasaka at mga kalabaw para sa mas produktibong pamumuhay.
Isang grupo ang nananawagan sa Dumaguete LGU na maglaan ng espasyo para sa Material Recovery Facilities upang mas maging maayos ang segregation at pamamahala ng basura sa barangay.
Inatasan ni Mayor Benjamin Magalong ang mga kawani ng pamahalaang lungsod na lumahok sa clean-up drive sa central business district bilang bahagi ng ika-116 Foundation Day celebration.
Itinuturing ng Society of Filipino Foresters na susi ang pakikipagtulungan ng LGUs at pribadong sektor sa pagpaparami ng forest plantations, imbes na umasa lamang sa pondo ng pambansang pamahalaan.
Ipinagdiriwang sa Sta. Cruz, Laguna ang Bamboo Day kung saan binigyang-diin ng pamahalaang panlalawigan ang kahalagahan ng industriya ng kawayan sa pagbibigay ng kabuhayan, paglinang ng kultura, at pagtulak sa inobasyon.