Nagsimula ang kasaysayan ng mga Chinese merchant mula Fujian humigit-kumulang 1,300 taon na ang nakalipas, na nagbigay-daan sa ugnayang pangkalakalan sa iba't ibang bansa.
Nakapagbigay ng eye care services ang Baguio City Health Services Office sa halos 2,000 residente mula sa iba't ibang barangay upang maiwasan ang vision problems.
Patuloy na nagbibigay ng suporta ang pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan at mga national government agency sa mga magsasaka at mangingisda laban sa matinding El Niño.
Umabot sa humigit-kumulang 350,000 ang bumisita sa mga sementeryo at memorial park sa Caraga Region noong Undas, na nanatiling mapayapa ayon sa PRO-13.
Pinarangalan ng DMW ang mga nanalo sa 2025 Likha Global, na sumusuporta sa OFW entrepreneurs sa pagbuo ng sustainable negosyo bago ang kanilang reintegration.
Lumahok ang PMA sa isang higher education conference sa United States upang masigurong kaagapay ng pandaigdigang pamantayan ang kalidad ng edukasyon nito.
Target ng isang pharmaceutical firm na maturuan ng CPR ang isang milyong Pilipino bilang suporta sa full implementation ng Basic Life Support Training in Schools Act.
Direktang mapupunta sa LGU hospitals ang pinalakas na MAIFIP funds upang palawakin ang zero balance billing at mapabuti ang access sa serbisyong pangkalusugan.
Ipinahayag ni PBBM ang pag-asa na mas lalalim pa ang ugnayan ng Pilipinas sa China at Chile sa ilalim ng bagong itinalagang mga ambassador ng dalawang bansa.
Nag-initial at nagpalitan ng draft MOU ang Pilipinas at Denmark upang palakasin ang skills training at recruitment ng Filipino health at care professionals.
Nagpalabas si PBBM ng mga administrative order na magbibigay ng service recognition incentive sa government workers at gratuity pay sa COS at JO personnel bilang pagkilala sa kanilang serbisyo.
Binigyang-diin ng DSWD na mahalaga ang access sa disenteng pabahay sa pag-angat ng 4Ps families mula sa kahirapan matapos ang pagbisita sa isang 4PH housing site.