Nagbigay ang Development Bank of the Philippines ng PHP100 milyong loan assistance sa isang agricultural cooperative sa Cagayan Valley upang suportahan ang maliliit na magsasaka.
Nakiisa ang Office of Civil Defense sa emergency response task group na mangangasiwa sa paghahanda para sa seguridad ng ASEAN Summit sa Nobyembre 16 hanggang 18.
Sinusuri ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang epekto ng paghina ng economic growth sa inflation outlook bago gumawa ng susunod na monetary policy decisions.
Binigyang-diin ni Education Secretary Sonny Angara na makatutulong sa mga pamilyang Pilipino ang unang pagtaas ng tuition subsidies para sa private Junior High School learners.
Hinikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang 34 bagong promoted AFP generals at flag officers na mamuno nang may integridad, kakayahan, at pananagutan.
Inaasahang makatutulong ang security grant ng Japan sa pagpapalakas ng kakayahan ng Philippine Air Force at Philippine Navy sa pagbabantay sa teritoryo ng bansa.
Nakipagpulong ang Department of Finance sa Spanish multinational firm na BBVA upang talakayin ang posibleng financing para sa transportasyon, tubig, at renewable energy.
Pinag-aaralan ng Maritime Industry Authority ang simulator-based training bilang posibleng alternatibo sa bahagi ng seagoing service para sa mga Filipino seafarer.
Nangako ang pamahalaan na magpatupad ng mga agarang reporma upang maibalik ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas, ayon kay DEPDev Secretary Arsenio Balisacan.