Nakikita ni President Ferdinand Marcos Jr. ang mga bagong oportunidad upang palawakin ang ugnayan ng Pilipinas at Spain habang papalapit ang ika-80 anibersaryo ng diplomatic relations.
Maglalabas ang Philippine Commission on Women at Department of Budget and Management ng policy para sa wastong paggamit ng 2027 Gender and Development budget.
Binigyang-diin ni DND Secretary Gilberto Teodoro Jr. ang kahalagahan ng pagkakaisa, tuloy-tuloy na pag-unlad, at seguridad para sa progreso ng Misamis Occidental.
Patuloy ang repatriation ng mga overseas Filipino worker mula sa Gitnang Silangan, ayon sa Department of Migrant Workers, kahit bumaba ang bilang ng mga nais umuwi.
Kinilala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Philippine Charity Sweepstakes Office bilang isa sa mga nangungunang government-owned and controlled corporations sa bansa.