Sa ilalim ng pamumuno ni PBBM, layunin ng gobyerno na maabot ang bawat Pilipino sa serbisyong pangkalusugan. Isang hakbang tungo sa mas magandang kalusugan para sa lahat.
Tiniyak ng Presidential Communications Office na handa ang lahat ng ahensya ng gobyerno sa pagtugon sa pangangailangan at hinaing ng mga pamilyang naapektuhan ng Super Typhoon Carina at pinalakas na habagat, lalo na sa mga malalayong lugar.
Ipinahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pangangailangan na muling suriin at pag-aralan ang mga disenyo ng mga imprastruktura laban sa baha dahil libu-libo ang naapektuhan ng habagat na pinalakas pa ng Bagyong "Carina."
Inutusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Department of Health na magtayo ng pop-up clinics o mag-deploy ng medical team sa bawat evacuation site bilang tugon sa epekto ng Bagyong Carina at ng pinalakas na habagat.