Halos 80,000 residente sa Caraga Region ang lumikas mula sa kanilang mga tahanan dahil sa Bagyong Tino, na nagdulot ng malawakang paglikas bago ito tuluyang tumama nitong Lunes ng gabi.
Tinutulungan ng DSWD-Davao ang 388 batang biktima ng lindol sa pamamagitan ng child-friendly spaces na nagsisilbing ligtas na lugar para sa psychosocial recovery.
Sa ilalim ng Palayamanan program, katuwang ng DA-11 ang mga IP communities sa Davao Region sa pagpapaunlad ng kanilang lupang ninuno tungo sa produktibong agrikultura.
Binigyan ng DA-13 ng fertilizer assistance ang 268 rice farmers sa Carrascal, Surigao del Sur bilang bahagi ng programang nagpapalakas ng rice yield sa rehiyon.
Pinagkalooban ng DOLE-13 ang isang farmers association sa Agusan del Sur ng PHP1 milyong rice retail starter kit upang palakasin ang kita ng mga magsasaka.
Patuloy na nakikinabang ang isang fourth-class municipality sa Agusan del Norte sa 42 sub-projects sa ilalim ng KALAHI-CIDSS program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Magbubukas sa Davao City ngayong Nobyembre 28 ang pinakamalaking dialysis at kidney transplant center sa Mindanao, na layong mapalawak ang serbisyong medikal para sa mga pasyenteng may sakit sa bato.
Pinagtibay ng NACC at ng lokal na pamahalaan ng Santa Josefa, Agusan del Sur ang kanilang partnership para matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng mga batang walang tagapag-alaga.