Nagbigay ang Development Bank of the Philippines ng PHP100 milyong loan assistance sa isang agricultural cooperative sa Cagayan Valley upang suportahan ang maliliit na magsasaka.
Ipinagkaloob ng pamahalaang lungsod ng Zamboanga ang apat na bagong fire trucks na nagkakahalaga ng PHP40 milyon para palakasin ang kakayahan ng fire district.
Nasa 2,649 guro at school heads sa Davao Region ang na-promote sa ilalim ng Expanded Career Progression program upang palakasin ang kalidad ng edukasyon.
Kumita ng PHP1.02 milyon ang isang kooperatiba ng mangingisda sa Nasipit, Agusan del Norte matapos maibenta ang anim na metriko toneladang bangus mula sa cage project.