Nag-preposition ang DSWD-Caraga ng higit 158,000 family food packs sa iba’t ibang lugar upang masigurong mabilis na distribusyon ng tulong sakaling magkaroon ng kalamidad.
Pinarangalan ng BFAR-13 ang mga katuwang mula sa pampubliko at pribadong sektor sa Caraga bilang pagkilala sa kanilang ambag sa pangangalaga ng yamang-dagat at pangingisda.
Mas abot-kamay na ngayon ang serbisyong medikal para sa mga katutubo sa Gupitan, Kapalong, sa tulong ng Community Assistance Vehicle na nagbibigay ng libreng biyahe papunta sa ospital.
Nagpakilala ang Surigao City government ng bagong programa na layong magbigay ng tulong pinansyal sa mga solo parent na kabilang sa mahihirap na pamilya, bilang pagkilala sa kanilang sakripisyo at pangangailangan para sa kanilang mga anak.
Ang iHub ay magiging lugar para sa pagbuo at pagpapalago ng mga ideya, proyektong pang-agham, at teknolohiyang makatutulong sa mga komunidad ng Misamis Occidental.
Sa Siargao, libo-libong residente ang nakinabang sa caravan na nagbigay ng libreng check-up, gamot, at konsultasyon. Pinatibay nito ang adbokasiya ng First Lady para sa abot-kayang kalusugan.
Ang proyektong ipinagkaloob sa MACO ay naglalayong magbigay ng dagdag na kita sa mga magsasaka sa pamamagitan ng pagpapalago ng livestock industry sa kanilang komunidad.
Sa Handog ng Pangulo, pitumpung matatanda sa Soccsksargen ang tumanggap ng tulong pinansyal. Higit sa pera, ito ay simbolo ng pagpapahalaga sa kanilang buhay at naiambag sa kultura at lipunan.
Naghatid ng libreng serbisyo at tulong ang gobyerno sa mga taga-Caraga bilang bahagi ng Handog ng Pangulo. Ang seremonya ay nagbigay saysay sa kaarawan ng Pangulo sa pamamagitan ng malasakit.