Isinusulong ng Department of Economy, Planning, and Development ang pagpapalakas ng international trade at cooperation sa gitna ng lumalaking kawalang-katiyakan sa pandaigdigang ekonomiya.
Patuloy na nakikinabang ang isang fourth-class municipality sa Agusan del Norte sa 42 sub-projects sa ilalim ng KALAHI-CIDSS program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Magbubukas sa Davao City ngayong Nobyembre 28 ang pinakamalaking dialysis at kidney transplant center sa Mindanao, na layong mapalawak ang serbisyong medikal para sa mga pasyenteng may sakit sa bato.
Pinagtibay ng NACC at ng lokal na pamahalaan ng Santa Josefa, Agusan del Sur ang kanilang partnership para matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng mga batang walang tagapag-alaga.
Matapos ang mahigit isang linggong pananatili sa evacuation centers dahil sa mga aftershock, pinayagan na ang 86 pamilyang mula sa Tarragona, Davao Oriental na makabalik sa kanilang mga tahanan, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Mainit na sinalubong si Pangulong Marcos ng mga bata at mga kawani ng Child Development Center (CDC) sa Barangay La Paz, Santiago, Agusan del Norte, sa kanyang pagbisita nitong Biyernes matapos niyang pangunahan ang turnover ng 71 patient transport vehicles sa lungsod.
Ayon sa CHED, layunin ng TES program na tulungan ang mga mag-aaral sa kanilang gastusin sa pag-aaral gaya ng tuition, allowance, at iba pang school fees.
Halos 5,000 manggagawa sa Caraga Region ang nakatanggap ng kabuuang PHP10.8 milyong tulong pinansyal sa pamamagitan ng programa ng Department of Labor and Employment (DOLE-13).
Sinimulan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 11 ang pamamahagi ng fourth quarter social pension para sa mga indigent senior citizens sa Davao City at Davao Occidental.