Ayon kay PBBM, malaki na ang inilalakad ng gobyerno sa pagpapatupad ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program (4PH), na layong makapagpatayo ng milyon-milyong tahanan sa buong bansa.
Ayon sa CHED, layunin ng TES program na tulungan ang mga mag-aaral sa kanilang gastusin sa pag-aaral gaya ng tuition, allowance, at iba pang school fees.
Isang farm school sa Antique ang naglalaan ng dalawang oras bawat araw upang turuan ang mga mag-aaral kung paano magtanim ng gulay, prutas, at iba pang pananim bilang bahagi ng kanilang hands-on training.
Inilunsad ng provincial government ng Ilocos Norte ang isang fuel assistance program para sa mga lokal na magsasaka upang matulungan silang mapalakas ang kanilang kabuhayan at mapababa ang gastos sa produksyon.
Naglaan ang DOT ng PHP15 milyon para pondohan ang tatlong tourism start-up projects mula Luzon, Visayas, at Mindanao sa ilalim ng 2025 Tourism Start-Up Challenge.
Lumampas sa PHP1 bilyon ang sales leads na nalikha mula sa PHITEX at MICECONnect 2025, doble sa target ng Tourism Promotions Board para sa travel trade events.
Ipinakita ng expo ang iba’t ibang pagkaing tradisyonal at modernong putahe na gawa ng lokal na chefs at entrepreneurs. Layunin nitong ipromote ang culinary heritage ng lalawigan.
Sa RANIAG creative tour, tampok ang iba’t ibang likhang-sining, tradisyon, at produktong lokal. Ang inisyatiba ay naglalayong suportahan ang mga artisano at malikhaing negosyo.
Bilang bagong top destination ng Pilipinas sa 2025, ipinapakita ng Bolinao ang kahalagahan ng balanseng turismo na nagtataguyod ng kalikasan at kabuhayan ng mga residente.