Iminungkahi ni Abra Rep. JB Bernos na pag-aralan ng pamahalaan ang nationwide solar subsidy program upang matulungan ang mga pamilyang Pilipino sa installation costs.
Tiniyak ng Department of Agriculture na mananatiling sapat ang suplay ng bigas at iba pang produktong agrikultural sa kabila ng banta ng matinding El Niño.
Pinuri ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. ang patuloy na pakikipag-ugnayan ng Estados Unidos sa ASEAN na aniya'y nakatutulong sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon.
Hinimok ng DTI Western Visayas ang mga mamimili na suriin ang product certification marks bago bumili ng mga regulated goods upang matiyak ang kaligtasan.
Pinangungunahan ni Foreign Affairs Secretary Ma. Theresa Lazaro ang humanitarian mission ng ASEAN sa Myanmar upang mapalawak ang access sa mga lugar na nangangailangan ng tulong.