Nagbigay ang Development Bank of the Philippines ng PHP100 milyong loan assistance sa isang agricultural cooperative sa Cagayan Valley upang suportahan ang maliliit na magsasaka.
Pinalalakas ng mga paaralan sa Ilocos Norte ang disaster preparedness matapos tumanggap ng weather monitoring systems mula sa pamahalaang panlalawigan noong Martes.
Namahagi ang pamahalaang panlalawigan ng La Union ng tig-isang multipurpose vehicle sa 517 barangay bilang bahagi ng suporta sa mga lokal na komunidad.
Tiniyak ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na makatatanggap ng cash assistance ang mga vendor sa Pasay at Parañaque na apektado ng ASEAN security measures.
Hindi bababa sa 19 world leaders at global institution representatives ang kumpirmadong dadalo sa ASEAN Summit and Related Summits sa Pilipinas ngayong linggo.
Naglaan ang Ilocos Norte ng humigit-kumulang PHP6.9 milyon para sa farm facilities at irrigation rehabilitation upang suportahan ang mga magsasaka sa panahon ng El Niño.
Inilunsad ng Taguig City government at DepEd ang STEM education program para sa mga mag-aaral mula Kindergarten hanggang Grade 3 sa 32 pampublikong paaralan.