Pormal nang inactivate ng Armed Forces of the Philippines ang Strategic Command na layuning palakasin ang kakayahan ng sandatahang lakas sa joint operations at mapatatag ang modernong depensa ng bansa.
Dumating si Pangulong Marcos sa Kuala Lumpur, Malaysia nitong Sabado para sa 47th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit, kung saan inaasahan siyang makikilahok sa serye ng high-level meetings at bilateral engagements.
Matapos ang mahigit isang linggong pananatili sa evacuation centers dahil sa mga aftershock, pinayagan na ang 86 pamilyang mula sa Tarragona, Davao Oriental na makabalik sa kanilang mga tahanan, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Isang shared service facility (SSF) ang nakatulong sa isang kooperatiba ng mga magsasaka sa Antique upang maproseso ang kanilang sobrang ani ng gulay, na nagresulta sa mas mataas na kita para sa kanilang mga miyembro.
Umabot sa 300 PWDs sa Ilocos Norte ang nakatanggap ng tig-PHP6,000 na social pension nitong Biyernes bilang bahagi ng patuloy na programa ng pamahalaang panlalawigan para sa mga kabilang sa mahihinang sektor.
Inatasan ni Pangulong Marcos ang buong pagpapatupad ng Republic Act 11321 o Sagip Saka Act sa pamamagitan ng Executive Order (EO) No. 101 upang mas mapalakas ang produksyon at kabuhayan ng mga magsasaka at mangingisda.
Ayon sa Pangulo, layunin ng mga reporma sa buwis na mapatatag ang ekonomiya at fiscal position ng bansa habang tinitiyak na patas ang pasanin sa lahat ng sektor.
Mainit na sinalubong si Pangulong Marcos ng mga bata at mga kawani ng Child Development Center (CDC) sa Barangay La Paz, Santiago, Agusan del Norte, sa kanyang pagbisita nitong Biyernes matapos niyang pangunahan ang turnover ng 71 patient transport vehicles sa lungsod.
Opisyal nang operational sa Cebu City ang unang 911 Regional Command Center sa Visayas, isang malaking hakbang sa adbokasiya ni Pangulong Marcos na magpatupad ng mas mabilis at koordinadong emergency response system para sa lahat ng Pilipino.
Nasa full alert status ang Police Regional Office in Bicol (PRO-5) at magde-deploy ng 2,707 pulis sa buong rehiyon bilang paghahanda sa paggunita ng All Saints’ at All Souls’ Days sa Nobyembre 1 at 2.