Binigyang-diin ni Education Secretary Sonny Angara na makatutulong sa mga pamilyang Pilipino ang unang pagtaas ng tuition subsidies para sa private Junior High School learners.
Pinalalakas ng Pilipinas at South Korea ang smart farming sa pamamagitan ng automated greenhouse facility sa Aklan para sa mga nagtatanim ng high-value crops.
Tiniyak ng DBM na maibabalik ang PHP60 bilyong pondo para sa PhilHealth sa 2026 budget, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Marcos na palakasin ang serbisyong pangkalusugan para sa lahat ng Pilipino.
Layunin ng MOA na bigyang mas madaling access sa PhilHealth benefits ang mga mangingisda at kanilang pamilya, na kadalasang kabilang sa pinakamahihirap na sektor ng lipunan.
Hinimok ng DSWD ang mga LGU sa Western Visayas na magtayo ng sariling warehouse para sa prepositioning ng relief goods, upang mas mabilis na maiparating ang tulong sa mga pamilyang apektado ng kalamidad.
Nagsagawa ang US Embassy ng youth basketball clinic at leadership forums sa Alaminos City, Pangasinan, sa ilalim ng Sports Envoy Program upang palakasin ang sportsmanship at leadership skills ng mga kabataang Pangasinense.
Pinalakas ng Pilipinas at Australia ang kanilang ugnayan sa maritime security sa pamamagitan ng limang-araw na training program sa maritime law enforcement, layong palakasin ang kapasidad ng dalawang bansa laban sa banta sa karagatan.
Nakapamahagi ang DSWD ng 309,284 family food packs sa mga pamilyang sinalanta ng malalaking kalamidad, bilang bahagi ng agarang tugon upang matiyak ang pagkain at seguridad ng mga apektadong komunidad.
Tiniyak ng Philippine Coast Guard na normal na ang operasyon sa mga pantalan ng Bicol, partikular sa mga rutang patungong Masbate, upang masiguro ang agarang paghahatid ng tulong sa mga apektadong pamilya.
Sa pagdiriwang ng ika-19 Charter Day, tampok sa Dinagat Islands ang mga produktong agrikultura at pangisdaan ng mga lokal na magsasaka at mangingisda sa isang linggong agricultural trade fair.