Nangako si President Ferdinand Marcos Jr. ng patuloy na suporta sa mga Filipino nurse, kabilang ang pagpapabuti ng working conditions at pagpapalawak ng employment opportunities.
Nagsanay ang Department of Tourism ng 244 tourism frontliners bilang paghahanda sa pagho-host ng Pilipinas sa 49th ASEAN Summit at Related Meetings sa Nobyembre.
Namahagi ang Camiguin provincial government ng cash incentives sa student-athletes na nag-uwi ng medals mula sa Northern Mindanao Regional Athletic Association Meet.
Magbibigay ang Maslog, Eastern Samar ng rice, transportation, at fuel assistance sa municipal-paid teachers, lalo na sa mga nakatalaga sa malalayong komunidad.
Tatlong district hospitals sa Mountain Province ang nakatanggap ng apat na patient transport vehicles upang mapalawak ang healthcare access sa malalayong komunidad.
Nagpadala ang PRO-11 ng 869 police personnel upang dagdagan ang security at suportahan ang election operations para sa Sept. 14 BARMM Parliamentary Elections.