Naging bahagi ng mga aktibidad ni President Ferdinand Marcos Jr. ngayong linggo ang governance reforms, peace initiatives, energy security, at digitalization agenda.
Inaasahang makikinabang ang 28 milyong Pilipino sa planong USD12 milyong grant ng South Korea para mapahusay ang healthcare services malapit sa Luzon Economic Corridor.
Ina-update ng Department of Health ang organ at tissue donation policy upang mapabilis ang donor matching at mapalawak ang access sa transplant services.
Isinusulong ng Commission on Higher Education ang pagpapalakas ng nursing workforce sa Pilipinas sa pamamagitan ng pambansang roadmap para sa nursing education.
Hinihimok ng DA ang mga magsasaka na mag-intercrop ng mga high-value na pananim tulad ng kape, kakaw, at niyog para mapataas ang kita at itaguyod ang sustainable na agrikultura.
Ang "Project Dap-ayan" ay nagdulot ng malaking pagbabago sa mga mag-aaral ng Cabeza Elementary School. Ngayon, marami sa kanila ang nakakapagbasa ng may pag-unawa.
Ang karahasan laban sa kababaihan ay hadlang sa ating kaunlaran, babala ni Budget Secretary Amenah Pangandaman. Sama-sama tayong magtrabaho para sa mas ligtas na kinabukasan.
Nakatakdang magtatag ang Department of Agriculture ng 260 pang Kadiwa stores bago mag-2025, para mas mapalapit ang abot-kayang produkto sa mga komunidad.
Mahigit 3,200 benepisyaryo ng repormang agraryo sa Bicol ang nagdiwang nang ipinatupad ng gobyerno ang pagpapatawad sa halos PHP89 milyon na utang at obligasyon.