Scholarship opportunities ang palalawakin sa buong bansa upang mabigyan ng dagdag na suporta ang mga Pilipinong nangangailangan ng tulong sa pag-aaral.
Nagbalik na ang face-to-face classes sa mga public elementary at secondary schools sa General Santos City matapos ang disruption na dulot ng June earthquake.
Humigit-kumulang 3,200 participants mula sa iba't ibang sektor ang nakiisa sa PhilHealth YAKAP run sa Bacolod City para isulong ang preventive healthcare.
Target mabigyan ng libreng life at agricultural insurance ang 1,800 farmers at fisherfolk sa Currimao upang maprotektahan ang kanilang kabuhayan laban sa iba’t ibang risks.
Nanawagan ang House of Representatives sa PhilHealth na ipatupad ang panibagong 30% na pagtaas sa lahat ng benepisyo at coverage nito upang mas mapabuti ang serbisyong pangkalusugan ng mga Pilipino.
Nilagdaan ng DepEd ang isang memorandum of agreement kasama ang Private Sector Advisory Council jobs committee, sa pamamagitan ng Private Sector Jobs and Skills Corporation, upang magbigay ng mas pinahusay na pagkakataon sa work immersion para sa mga mag-aaral ng senior high school.
Patuloy ang pagsisikap ng pamahalaan na magbigay ng suporta sa mga katutubong pamayanan, ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagdiriwang ng National Indigenous Peoples Day.
Binabati natin ang 41 na dating overseas workers mula sa Pangasinan na nagtapos sa pilot run ng tatlong araw na "Balik Bayani sa Turismo" community-based culinary training.
Ipinagdiwang ng Israel Embassy sa Pilipinas ang ika-67 anibersaryo ng ugnayan nito sa bansa sa pamamagitan ng isang tree-planting activity, kung saan pinangalanan ang apat na puno bilang pag-alala sa mga Pilipinong nasawi sa pag-atake ng Hamas sa Israel noong nakaraang taon.