Nilagdaan ng Pilipinas at New Zealand ang bagong kasunduan upang palawakin ang kooperasyon sa climate change, environmental protection, at sustainable development.
Pinalalawak ng Department of Social Welfare and Development ang Pag-abot Program upang makapagbigay ng pangmatagalang suporta sa mga pamilya at indibidwal na nasa lansangan.
Mahigit 254,000 magsasaka at mangingisda sa Ilocos Region ang nakatanggap na ng cash assistance sa ilalim ng Presidential Assistance for Farmers and Fisherfolk Program.
Nakikitang makatutulong ang pagpapalawak ng Walang Gutom Program upang mapabilis ang pag-abot ng Pilipinas sa Zero Hunger goal, ayon sa isang opisyal ng NAPC.