Inaasahan ang pag-angat ng ekonomiya sa Libon, Albay matapos ilaan ang PHP500 milyon para sa pagpapalawak ng Pantao Port sa tulong ng Department of Agriculture.
Namahagi ang Bago City ng rice subsidy sa halos 3,000 tricycle drivers upang makatulong sa kanilang gastusin sa gitna ng pagtaas ng presyo ng gasolina.
Nanawagan si Pangulong Marcos sa mga LGU na itigil ang “pass-through fees” sa mga sasakyang nagdadala ng pagkain at agricultural products upang maiwasan ang pagtaas ng presyo.
Bilang tugon sa tumataas na presyo ng langis, ipinatupad ng DepEd ang energy-saving measures at work-from-home tuwing Biyernes para mabawasan ang konsumo ng kuryente.
Umalis si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. patungong New York upang dumalo sa mga aktibidad sa United Nations at isulong ang bid ng Pilipinas sa UN Security Council.
Nasa 2,649 guro at school heads sa Davao Region ang na-promote sa ilalim ng Expanded Career Progression program upang palakasin ang kalidad ng edukasyon.
Mas maraming pamilyang benepisyaryo ng 4Ps sa Western Visayas ang inaasahang makikinabang sa Expanded Lifeline Rate Program para sa mas abot-kayang kuryente.
Naglunsad ang pamahalaang panlalawigan ng Ilocos Norte ng zero-interest loan program para tulungan ang maliliit na negosyante na mapalago ang kanilang kabuhayan.