Binigyang-diin ng Philippine Commission on Women na hindi lamang financial independence ang sukatan ng women’s empowerment kundi pati kalayaan, dignidad, at proteksyon laban sa abuso.
Inaprubahan ng Regional Project Advisory Board ang PHP99.38 milyong coffee enterprise sa Davao City sa ilalim ng Philippine Rural Development Project Scale-Up program.
Umpisa na ang feeding program ngayong buwan! Layunin nito ang magbigay benepisyo sa 107 na severely wasted secondary students ng Anislag National High School sa Daraga, Albay.
Sulit ang effort ng Department of Agriculture sa pagpapalago ng taniman ng sibuyas sa Pinas! Kasama ang local government units, nagtutulungan sila sa info, awareness, at training para sa mas matibay na sibuyas industry.
Ang sektor ng agrikultura sa Pilipinas ay nagtala ng mabilis na paglago na 1.2% noong 2023, ayon sa pinakabagong datos mula sa Philippine Statistics Authority.