Namahagi ang Camiguin provincial government ng cash incentives sa student-athletes na nag-uwi ng medals mula sa Northern Mindanao Regional Athletic Association Meet.
Magbibigay ang Maslog, Eastern Samar ng rice, transportation, at fuel assistance sa municipal-paid teachers, lalo na sa mga nakatalaga sa malalayong komunidad.
Bago City nagbigay ng bagong oportunidad sa mga magsasaka sa pamamagitan ng "Green" tourism. Isang hakbang patungo sa makakalikasan at sustainable na kinabukasan.
Bacolod City naglunsad ng PHP160 million na Comprehensive Waste Management Project. Isang makabagong Recovery and Recycling Complex at Ecopark ang itatayo sa Barangay Felisa.
Pinuri ng Climate Change Commission ang pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan dahil sa kanilang komprehensibong estratehiya sa klima at integradong approach sa pagpapanatili ng kapaligiran, paghahanda sa kalamidad, at pagbabawas ng panganib.