Binigyang-diin ng Philippine Commission on Women na hindi lamang financial independence ang sukatan ng women’s empowerment kundi pati kalayaan, dignidad, at proteksyon laban sa abuso.
Ang National Irrigation Administration sa Bicol ay handang magsagawa ng programang kontrata sa pagsasaka na makikinabang ang mahigit sa 1,200 magsasaka na kasapi ng 21 irrigators associations sa dalawang lalawigan sa Bicol Region.
Sa tulong ng Ako Bicol Party-List, may 184 estudyante mula sa lalawigan ng Albay ang tatanggap ng tulong pinansyal sa ilalim ng Tulong-Dunong Program ng CHED.
Ang Camarines Sur Disaster Risk Reduction and Management Council ay nag-deklara ng “blue alert” para sa kanilang emergency operation center upang ipatupad ang mga hakbang na protektahan ang publiko laban sa epekto ng matinding init sa bansa.
Paalala ni Governor Daniel R. Fernando sa mga Bulakenyo na mag-ingat sa init at manatiling hydrated dahil inaasahan na ang heat index ay aabot na hanggang 40°C.
Game na! Ang Indigenous Peoples Games na inorganisa ng Philippine Sports Commission ay magsisimula sa Luzon leg sa Salcedo, Ilocos Sur ngayong April 19 at 20.