Nangako si President Ferdinand Marcos Jr. na ipagpapatuloy ang mga programa ng pamahalaan laban sa malnutrisyon upang mapabuti ang kalusugan ng mga batang Pilipino.
Magpapatupad ang PhilHealth ng 20 porsiyentong TAPAT benefit top-up simula Enero 1, 2027 para sa mga kwalipikadong direct contributors at kanilang dependents.
Nag-alok ang pamahalaang panlalawigan ng Negros Occidental ng subsidy para sa mga magsasakang gumagamit ng high-yield sugarcane variety na binuo ng Philsurin.
Ang pamunuan ng Metro Pacific Tollways South ay nag-anunsyo na magdadagdag sila ng mga tauhan sa gilid ng daan bilang paghahanda sa inaasahang dagdag na trapiko ngayong Semana Santa.
Ang mga tauhan ng Ilocos Norte Provincial Police Office ay nasa full alert status para masiguro ang ligtas at makahulugang biyahe sa panahon ng Semana Santa.
Pinatutupad ng Department of Agriculture sa Calabarzon ang iba’t ibang hakbang upang bawasan ang epekto ng El Niño sa mga magsasaka sa rehiyon at siguruhing makapagtatanim sila sa panahon ng tag-init.
Upang mas mapalapit ang mga serbisyo ng gobyerno sa mga tao, dinala ng pamahalaang panlalawigan ng Benguet ang iba’t ibang tanggapan sa Sablan sa pamamagitan ng HEALTHIER caravan.