Bumisita si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Cagayan upang personal na silipin ang pagpapatupad ng Zero Balance Billing policy at pangunahan ang Yaman ng Kalusugan Program (YAKAP) caravan para sa mga residente.
Pinarangalan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at DSWD ang 18 model families mula sa 4Ps, kinilala ang kanilang tagumpay sa pag-ahon mula sa kahirapan sa seremonya sa Malacañang.
Nagpadala ang Philippine Air Force ng C-130 aircraft sa Batanes upang maghatid ng 1,000 family food packs para sa mga biktima ng bagyo at magsakay ng 88 stranded individuals patungong Villamor Air Base.
Na-airlift ng DSWD ang 800 family food packs patungong Calayan Island, ang tanging island town sa Cagayan na matinding tinamaan ng Super Typhoon Nando.
Papasok ang International Workplace Group sa larangan ng healthcare sa pamamagitan ng pakikipagsosyo sa Aurora Pacific Economic Zone and Freeport Authority para pamahalaan ang isang pasilidad medikal.
Sinimulan ng DOH-Central Luzon ang medical response operations para matugunan ang pangangailangan ng mahigit 900 evacuees na apektado ng super typhoon Nando.
Higit 1,000 volunteers ang nagparehistro bilang tutors sa Baguio para tumulong sa pagpapatupad ng Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Act ng DepEd.
Naglaan ang NIA-Bicol ng higit PHP5 milyon na livelihood assistance para sa 33 irrigators’ associations sa rehiyon bilang suporta sa kanilang kabuhayan at produksyon.
Ipinagkaloob ng Department of Agriculture ang PHP70.2 milyong rice processing facility sa Oriental Mindoro upang palakasin ang produksyon at kita ng mga magsasaka ng palay.