Si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay bumisita sa Renal Dialysis Center ng Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City at nag-donate ng PHP150 milyon para sa pagbili ng isang magnetic resonance imaging (MRI) machine.
Mga residente sa Sagada, Mountain Province nangangambang maubusan ng tubig sa tindi ng init ng panahon dahil ang kanilang pangunahing suplay ng tubig ay mula lamang sa bukal.
Ang National Irrigation Administration sa Bicol ay handang magsagawa ng programang kontrata sa pagsasaka na makikinabang ang mahigit sa 1,200 magsasaka na kasapi ng 21 irrigators associations sa dalawang lalawigan sa Bicol Region.
Sa tulong ng Ako Bicol Party-List, may 184 estudyante mula sa lalawigan ng Albay ang tatanggap ng tulong pinansyal sa ilalim ng Tulong-Dunong Program ng CHED.
Ang Camarines Sur Disaster Risk Reduction and Management Council ay nag-deklara ng “blue alert” para sa kanilang emergency operation center upang ipatupad ang mga hakbang na protektahan ang publiko laban sa epekto ng matinding init sa bansa.