Isinusulong ng Department of Economy, Planning, and Development ang pagpapalakas ng international trade at cooperation sa gitna ng lumalaking kawalang-katiyakan sa pandaigdigang ekonomiya.
Patuloy ang 24-oras na pagtugon ng DOH para sa mahigit 9,500 pamilyang pansamantalang nanunuluyan sa mga evacuation center sa Gitnang Luzon matapos ang pananalasa ng Bagyong Uwan.
Hinimok ng OCD-CAR ang mga lokal na pamahalaan sa rehiyon na higit pang pagtuunan ng pansin ang disaster preparedness bilang susi sa pagligtas ng buhay at pagprotekta ng ari-arian.
Tinututukan ng Commission on Elections (Comelec) Pangasinan ang pagpaparehistro ng humigit-kumulang 100,000 bagong botante mula Oktubre 20, 2025 hanggang Mayo 18, 2026.
Limampu sa 128 barangay ng Baguio City ang ginawaran ng Seal of Good Local Governance for Barangays (SGLGB) bilang pagkilala sa kanilang katapatan, pananagutan, at mahusay na serbisyo sa komunidad.
Isang multipurpose cooperative na binubuo ng mga agrarian reform beneficiaries sa Batac City ang tumanggap ng sampung dairy buffaloes mula sa pamahalaan upang pasimulan ang lokal na produksiyon ng gatas.
Bumili ang Ilocos Norte Electric Cooperative (INEC) ng mga bagong service vehicles bilang bahagi ng kanilang inisyatibong mapabuti pa ang serbisyong elektrisidad sa buong lalawigan.