Hinikayat ng Anti-Red Tape Authority ang pagbubukas ng electronic business one-stop shop sa lahat ng local government units sa rehiyon ng Bicol, hindi lamang para sumunod sa batas kundi para palakasin ang lokal na ekonomiya.
Si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay bumisita sa Renal Dialysis Center ng Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City at nag-donate ng PHP150 milyon para sa pagbili ng isang magnetic resonance imaging (MRI) machine.
Mga residente sa Sagada, Mountain Province nangangambang maubusan ng tubig sa tindi ng init ng panahon dahil ang kanilang pangunahing suplay ng tubig ay mula lamang sa bukal.
Ang National Irrigation Administration sa Bicol ay handang magsagawa ng programang kontrata sa pagsasaka na makikinabang ang mahigit sa 1,200 magsasaka na kasapi ng 21 irrigators associations sa dalawang lalawigan sa Bicol Region.