Nakapag-extract ang DPWH-Ilocos Region ng mahigit 26,000 cubic meters ng putik at basura sa mga waterways sa Pangasinan bilang resulta ng dredging operations.
Humigit-kumulang 5,000 agrarian reform beneficiaries sa Negros ang nakatanggap ng land titles at nagpasalamat kay President Ferdinand Marcos Jr. sa pagkakaloob ng pagmamay-ari.
DA-PhilRice nagbibigay ng libreng inbred rice seeds para sa mga rehistradong magsasaka sa Ilocos Norte sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund program.
May bagong health center na ang Paoay na may mga pasilidad tulad ng dental clinic, consultation room, laboratory, at botika para sa pangunahing pangangailangan sa kalusugan.