Apektado ang 692 pamilya o 2,529 indibidwal sa Iloilo City matapos ilikas dahil sa Severe Tropical Storm Opong, habang nananatiling bukas ang evacuation centers para sa mga nasalanta.
Layunin ng proyekto na mapalakas ang produksyon at mapabuti ang kalidad ng mga produkto ng mga magsasaka, habang nagbubukas ng mas malawak na merkado at mas malaking kita para sa komunidad.
Nakahanda ang DSWD-6 ng higit 111,000 family food packs para sa mga apektadong pamilya sa Western Visayas kasunod ng pagtataas ng TCWS No. 1 dahil sa bagyong Opong.
Tumanggap ng sahod ang 25 exhibitors na lumahok sa Kadiwa ng Pangulo sa Antique bilang karagdagang insentibo sa ilalim ng emergency employment program ng DOLE.
Nagbibigay ng libreng almusal araw-araw ang bayan ng Matuguinao, Samar para sa 720 high school students, habang may libreng tanghalian naman para sa mga mag-aaral mula sa liblib na barangay.
Bumuo ang RDC Eastern Visayas ng Environment Committee upang maisentro ang environmental sustainability at climate resilience sa regional development agenda.
Kinilala ng DOH-NIR ang dalawang pampublikong ospital sa Negros Occidental bilang adolescent-friendly facilities na nakatuon sa kalusugan at kapakanan ng kabataan.
Umabot sa 1,433 pampublikong paaralan sa Western Visayas ang lumipat sa alternative delivery mode matapos suspendihin ang face-to-face classes dahil sa masamang panahon.