Ashley Cortes Finds Empowerment In Debut Single ‘I Rise Above’

In her debut single “I Rise Above,” Ashley Cortes shows that resilience is key to overcoming adversity.

‘FPJ’S Batang Quiapo’ Breaks Live Online Viewership Record For Two Consecutive Nights

Viewers tuned in en masse as “FPJ’s Batang Quiapo” hit a new record high, showcasing the show's unparalleled engagement and loyalty.

PBBM To AFP: Ensure ‘Peaceful, Credible, Orderly’ 2025 Polls

Ang Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay humiling sa AFP na tiyakin ang 'mapayapa, mapanuri, at maayos' na eleksyon sa 2025.

Philippines, New Zealand Conclude Visiting Forces Pact Negotiations

Nagtapos na ang negosasyon para sa Visiting Forces Pact ng Pilipinas at New Zealand. Isang hakbang tungo sa mas matibay na ugnayan sa depensa.

Colombia, May Kama Na Nagiging Kabaong

Isang kumpanya sa Colombia, nag-disenyo ng hospital beds na nagiging kabaong.
By The Philippine Post

Colombia, May Kama Na Nagiging Kabaong

0
0

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Isang kumpanya sa Colombia, nag-disenyo ng hospital beds na nagiging kabaong.

Upang masolusyonan ang kakulangan ng mga hospital beds, gumawa ang ABC Displays ng mga hospital beds na nagiging kabaong.

Ito ay para na rin sa mas ligtas na pagsasaayos ng mga coronavirus disease-2019 (COVID-19) na pasyente.

Dahil pwedeng magamit ang mga ito bilang kabaong, mababawasan ang tsansang makalakap ng impeksyon ang healthcare worker na responsable rito sapagkat hindi na nila kailangang hawakan ang mga namatay.

Ayon kay Rodolfo Gomez, manager ng kumpanya, ito ay tumatagal ng hanggang anim na buwan bago ito mabulok. Mabibili ang hospital beds sa halagang $US127 o PHP6466.84— tatlong beses na mas mura kumpara sa regular na uri. Mayroon din itong gulong sa ilalim upang mas mapadali ang paglilipat ng mga pasyente.

Maaari rin itong ma-disinfect kaya posible pa itong magamit muli.

Bago sumalakay ang COVID-19 na pandemya, gumagawa ng ABC Displays ng cardboard pieces para sa mga kumpanya sa industriya ng advertising.

Sa kabila ng inisyatibong makatulong sa kakulangan ng hospital beds, nakatanggap pa rin ng batikos ang kumpanya dahil sa diumanong nakakabahalang solusyon sa isyu.

Iginiit naman ng manager na tingnan na lang ang kanilang aksyon sa ibang perspektibo.

Sa ngayon, nakakagawa ng hanggang 300 hospital beds ang ABC Displays sa isang buwan.