Balikan kung paano binihag ng “FPJ’s Ang Probinsyano” ang puso ng milyun-milyong Pilipino sa pag-ere ng book one nito sa Jeepney TV simula Lunes (Marso 16).
Napanood sa unang taon ng action-drama ang karakter ni Cardo Dalisay (Coco Martin) at ang kagustuhan niyang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kakambal niyang si Ador de Leon.
Umikot din ang istorya sa misyon ni Cardo na malabanan ang pagpapatakbo nina Tomas “Papa Tom” Tuazon (Albert Martinez) at PC/Insp. Joaquin Tuazon (Arjo Atayde) sa isang malakihang sindikato ng droga at human-trafficking na nagpapanggap bilang isang mapagkawanggawang organisasyon.
Pero mas malaking bagay para sa mga manonood dito at sa ibang ibansa, bata man o matanda, ang inspirasyong hatid ng mga karakter gaya nina Cardo, Lolo Delfin (Jaime Fabregas), at Lola Flora (Susan Roces) na laging maniwala sa pananaig ng kabutihan laban sa kasamaan.
Nag-iwan din ng mahahalagang aral ang teleserye simula nang umere ito, gaya nalang ng buong-pusong pagtanggap nina Cardo sa sekswalidad ni Makmak (Awra Briguela), at ang pagiging marangal na lingkod bayan ni Lola Flora nang ibalik niya ang refrigerator na bigay ng mayor para makaiwas sa mga isyu.
Sa ikaapat nitong taon, kilala nang paborito sa mga kabahayan ang “FJP’s Ang Probinsyano,” na nakakuha ng highest-rated pilot episode of all time nang magtala ito ng 41.6% rating sa premiere nito noong September 2015, at makuha ang pinakamataas na peak nationwide rating na 47.2% sa October 4, 2018 episode nito, base sa data mula sa Kantar Media.
Panoorin ang mga maaksyong misyon ni Cardo sa book one ng “FPJ’s Ang Probinsyano,” weekdays sa Jeepney TV simula ngayong Lunes (Marso 16), 2:30pm. Mapapanood ang Jeepney Tv sa ABS-CBN TVplus channel 11, SKYcable channel 9, SKYdirect channel 30, Destiny Cable Analog 41 at Digital 9. Mag-subscribe din sa YouTube channel ng Jeepney TV. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.