President Marcos Congratulates Trump, Cites Enduring Philippines-United States Ties

President Marcos, kinilala ang matibay na samahan ng Pilipinas at Amerika sa pagbati kay Pangulong Trump sa kanyang panunumpa sa bagong termino.

NIA Seeks LGUs’ Help In Offering BBM Rice To More Filipinos

NIA humihingi ng tulong sa mga lokal na gobyerno upang maihatid ang BBM rice sa mas maraming Pilipino.

DBM Oks Release Of PHP30.4 Billion For MUP Pension For Q1 2025

Nakatakdang ilabas ng DBM ang PHP30.409 bilyon para sa pension ng military at uniformed personnel ngayong unang kwarter ng 2025.

Department Of Tourism Eyes More Tourists From India

Narito ang mga pagbibigay pansin sa pagtaas ng mga turista mula sa India patungo sa Pilipinas sa 2024. Isang magandang hakbang para sa turismo ng bansa.

Tuloy Ang PUV Modernization – DOTr

By The Philippine Post

Tuloy Ang PUV Modernization – DOTr

0
0

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Mariing iginigiit ng Kagawaran ng Transportasyon na tuloy na tuloy at walang atrasan ang pagpapatupad ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

Ito ay bilang paglilinaw sa mga balitang lumabas matapos ang deliberasyon ng Senado sa panukalang PhP147-billion budget ng DOTr kanina.

Walang sinabi ang DOTr na hindi nito itutuloy ang pagpapatupad ng PUV Modernization Program. Ang nabanggit ay kung sakali mang mabigo ang mga operator ng mga lumang jeepney na mag-modernize ng kanilang mga unit pagsapit ng Hulyo 2020, pansamantala ay pahihintulutan muna sila ng DOTr na makapamasada sa kondisyong papasa ang kanilang mga lumang unit sa roadworthiness test sa ilalim ng technology-based Motor Vehicle Inspection System (MVIS), na walang human intervention. Layunin nitong tiyaking ligtas pa rin sa kalsada ang mga lumang modelo ng PUV.

Kung sakaling pumasa sila sa MVIS, bibigyan ang mga PUV operator ng provisional authority (PA) na epektibo lamang ng isang taon, dahil matapos ang isang taon ay kinakailangan muli nilang sumalang sa computerized MVIS check.

Upang mabigyan ng PA ay kailangan ng mga PUV operator na makapagsumite ng petition for consolidation pagsapit ng ika-30 ng Hunyo 2020, pati na rin ang petition na nagsasaad ng kanilang layunin at kagustuhang lumahok sa PUVMP.

Kung sakaling hindi sila makapagsumite ng naturang petisyon sa isinaad na petsa, hindi na iiral ang polisiya ng “prior operator rule” at sa halip ay bubuksan ang kanilang mga dating ruta sa mga aplikanteng kooperatiba o korporasyon na nakapag-modernize na ng kanilang mga unit.

Dagdag pa dito, oras na may PUVMP-compliant na kooperatiba o korporasyon na ang mabigyan ng prangkisa sa rutang tinatakbuhan ng lumang jeepney, automatic na makakansela na ang PA na ibinigay dito.

Bilang tugon sa direktiba ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte, nanatiling matatag ang hangarin ng DOTr sa pamumuno ni Secretary Arhur Tugade na ipatupad ang PUVMP upang gawing mas ligtas ang ating pampublikong transportasyon, bawasan ang polusyong dulot nito sa kapaligiran, ibalik ang dignidad ng mga Pilipino sa pagko-commute, at itaas ang antas ng kabuhayan ng ating mga operator at tsuper.

Photo Credit: DOTr official Facebook Page